
Pagdating Ng Takipsilim
Dinggin mo
Ang awit niyaring puso
At lagi nang sumasamo
Pag-ibig na sa aki'y tumubo
Ikaw ang siyang unang nagturo
O irog pagdating ng takip-silim
Ang langit ay namamanglaw na rin
Subalit ang pag-ibig kong dalisay
Ay tunay at hindi magmamaliw
Malasin mo ang dilim at ang liwanag
Palaging magkapiling hanggang wakas
O irog ganyan ang ating katulad
Sa pusong ang pag-ibig ay wagas
Malasin mo ang dilim at ang liwanag
Palaging magkapiling hanggang wakas
O irog ganyan ang ating katulad
Sa pusong ang pag-ibig ay wagas