
Pagsamba At Pakikibaka
Ang pagsamba at ang pakikibaka
Pagpupuri at pakikipagkapwa
Ang pagsamo at pakikisalamuha
Sa pangalan Niya
Alang-alang sa kanyang kadakilaan
Ang katarungan at kapayapaan
Alang-alang sa kanyang kaluwalhatian
Ang kalayaan ng sangbayanan
Pagsasamuhay ng ating pananalig
Bunga ng pinkadakila Niyang pag-ibig
Ang gawa ng pananampalataya
Sa pangalan Niya
Alang-alang sa kanyang kadakilaan
Ang katarungan at kapayapaan
Alang-alang sa kanyang kaluwalhatian
Ang kalayaan ng sangbayanan
Si Kristo ay sapat at ganap na kaligtasan
Ng ating kaluluwa at lupang katawan
Kung mahal natin ang Diyos
Ang dukha 't nagdarahop
Ang api at hikahos
Sa pangalan ni Hesus palayain na