
Panaginip
Alaala ko ang nagdaang araw
Ng tayo giliw nagsumpaan
At ang pangako mo
Sa aki'y binitiwan
Di ka magbabago sa iyong pagmamahal magpakailan pa man
Ngunit isang gabi (ngunit isang gabi)
Aking mahal (aking mahal)
Ika'y nakita ko
May katipan
Sa isang pook na
Maraming halaman ay aking nasulyapan
Ikaw ay niyakap at kanyang hinagkan
Dahil sa labis kong (dahil sa labis kong)
Pagdaramdam (pagdaramdam)
Aking wawakasan
Yaring buhay
Nang itatarak na
Sa dibdib ang punyal ay
Ako ay nagising
Pagkat ito pala'y panaginip
Lamang