Ruben Tagalog

Panahon 'tang nagdaan


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Nasaan ka giliw ko
Timbulan yaring saki'y
At ako'y binayaang
Nag-iisang nananangis

Ang timyas ng lambing mo
Sa puso ko'y nakaukit
Ngunit ngayon ang sumpa mo
Ay tinalikdan mong tikis

Hayun siya nagkukubli
Sa lilim ng ilang-ilang
Ewan ko at kung bakit
Siya'y nagtampo ng lubusan

Oh giliw ko'y magbago ka
Sa mali mong paratang
Alaalahanin mo rin
Ang panahon 'tang nagdaan

Sa lilim ng ilang-ilang
Siya'y nagtampo ng lubusan
Oh giliw ko'y magbago ka
Sa mali mong paratang
Alaalahanin mo rin
Ang panahon 'tang nagdaan
Ang panahon 'tang nagdaan