Lito Camo

Panawagan


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sa oras na ito
Buksan ang puso mo
'Wag nang ipagdamot
Ang kayamanan mo
'Di mo madadala
Sa langit ang pera
Kailan ka tutulong
Kapag huli na

Nasaan ang awa
Sa iyong kapwa
Nagugutom at may umiiyak na bata
Kay rami ng uhaw na sikmura
Nagiintay ng inyong awa

Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan po natin sila
Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan po natin sila

Bahala na ang Diyos
Sa 'yong kabutihan
Sa oras na ito
Tulong nyo ang kailangan
Maawa na kayo
Sila'y mahirap lang
Isang kahig isang tuka lamang

Nasaan ang Diyos sa 'yong puso
Kahit konting awa
Sana ay 'wag mong itago
Tulungan mo ang ating kababayan
Sila ngayon ay nananawagan

Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan po natin sila
Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan po natin sila
Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan po natin sila
Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan po natin sila

Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan po natin sila
Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan po natin sila
Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan natin ang mahihirap
Panawagan sa lahat ng mayaman
Tulungan natin ang mahihirap
Tulungan po natin sila
Tulungan po natin sila