Pandanggo Ni Neneng
Kung nagsasayaw si neneng at ako ay walang pagod
Ang kanyang magagandang paa
Na sa hakbang ko’y sumusunod
Ngunit di alam ni neneng na ako ay naghihirap
Dahil sa pag-ibig at tunay na paglingap
Ang mga dalaga
Kung pista sa baryo
Ay nakabakya at sumasayaw sa lambing ng himig
Ng pandanggo
Ang pandanggo ni neneng ay mahirap na pumanaw
Habang nasa nayon ang halithit ng kawayan
Bukid ay tahimik at mayumi ang amihan
Ganyan kung kumilos ang dalaga sa silangan
Neneng ko ‘wag limutin tayo’y perlas ng silangan
Dahil sa dilag mong pambihirang kayamanan
Bukid ay dakila kaysa lungsod na mailaw
Pandanggo’y sayaw ng kayumangging kaligatan