
Pangako Ko
Pangako ko sayo
Di ako magbabago
Tumbasan man ng pera
Itong pag-ibig ko
Di kita pagpapalit
Sa yaman ng mundong ito
Anumang karangyaan
Sa buhay matamo
Sabihin man nilang ako'y baliw sayo
At idapa ako ng mga kaibigan ko
Kahit kailan
Kahit saan
Pag-ibig ko sayo'y di magbabago ipinapangako ko
Ano't ano man
Pagsubok ang daraan
Mananatili pag-ibig ko
Pinapangako ko sayo
Sa kabila ng lahat
Ng panalangin at habag
Narito ako nag-aalay ng pag-ibig ko
Sabihin man nilang ako'y baliw sayo
At idapa ako ng mga kaibigan ko
Kahit kailan
Kahit saan
Pag-ibig ko sayo'y hindi magbabago ipinapangako ko
Ano't ano man
Pagsubok ang daraan
Mananatili ang pag-ibig ko
Ipinapangako ko sayo
Ngayong nandito ka sa buhay ko
Maraming nagbago
Salamat sayo
Kahit kailan
Kahit saan
Pag-ibig ko sayo'y di magbabago ipinapangako ko
Ano't ano man
Pagsubok ang daraan
Mananatili ang pag-ibig ko
Ipinapangako ko sayo