
Pangarap
Nakasandal sa puno
Nakatanaw sa malayo
Nakatakdang ipaglaban
Mga pangarap na gustong matupad
Nakasandal sa pader
Nakatanaw sa puder
Nakatakdang ipaglaban
Mga pangarap na nagawang matupad
Nakasandal sa hangin
Nakatanaw sa bangin
Nakatakdang ipaglaban
Mga pangarap na tila di matutupad
Magkakaiba ang hangad, bagamat
Iisa lang ang problemang kaharap
Ang pagkabalanse ng dalawang panig
Mahirap at mayaman, masama't mabuti
Tamad at masipag, malakas at mahina
Ngunit ang timbangan na ito ay sira
Dahil ang laman ng tinitirhang mundo
Ay mga tao at mga kailangan nito
Trabaho, pagkain, bahay, gamot, damit
Mga karapatan na dapat makamit
Pano pantay na mabibigay sa bawat isa
Kung tinuturing na mga paninda
nakaimbak sa bodega imbes sa gutom ay ipakain
Lupang tiwangwang imbes iba'y patirahin
Mga trabahong sweldo ay katiting
Kaya mga pangangailangan, 'di kayang bilhin
Lahat ay tinatawagan, makiisa sa panawagan
Ipaglaban ating mga karapatan
Ang reyalidad ay ating hawakan
Panahon nang baguhin ang ating kinabukasan
Autor(es): David V. Villania