Panginoon Kay Buti Mo Sa Akin
Panginoon kaybuti mo sa akin
Kahit ako'y may pagkukulang di pansin
Ang nais mo'y ako'y makapiling
At pag-ibig mo'y damhin
Panginoon Diyos kang mapagbiyaya
Sa tuwi-tuwina'y naroon ang iyong kalinga
At kahit na sa yo'y nagkakasala
Ramdam ko ang iyong awa
Walang kapantay ang pag-ibig na iyong alay
Nagdusa ka sa kasalanan kong taglay
Dahil sa 'yo ang buhay ko'y nagkakulay
Buhay na walang hanggan ang iyong ibinigay
Panginoon ang puso ko'y magbubunyi
Sa ngalan mo'y lagi akong magpupuri
Ikaw lamang ang aking itatangi
Sa 'yo lamang ako magsisilbi