Ruben Tagalog

Panibugho ay iwasan


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang samo nitong puso kong nagmamahal
Ay huwag kang magbintang
Na pag-ibig ko ay di tunay
Ewan ko kung bakit
Di mapigil ang hinanakit
Sa tuwi nang nasisiyahan ka
Na kapiling mo ay iba

Ang dapat nating isipin
Ang ating kinabukasan
Upang tayo ay lubusang
Magtamo ng kaligayahan
Sana'y laging pag-ingatan
Ang ating pagmamahalan
Huwag na tayong magtampuhan
Panibugho ay iwasan

Ang dapat nating isipin
Ang ating kinabukasan
Upang tayo ay lubusang
Magtamo ng kaligayahan
Sana'y laging pag-ingatan
Ang ating pagmamahalan
Huwag na tayong magtampuhan
Panibugho ay iwasan

Huwag na tayong magtampuhan
Panibugho ay iwasan