
Pasko Ng Ninong Ko [Karaoke Version]
Kuripot ang ninong ko sa aginaldong piso
Dagling sumakit ang kanyang ulo
Sa aginaldong piso napudpod ang nguso ko
Sampung beses akong pinagmano
Ay naku ninong nalulugi pa ako
Sa pasahe sa pagpunta sa inyo
Ay naku ninong kung laging ganyan kayo
Ay di na muli ako mamamasko
Kuripot ang ninong ko mayron namang negosyo
At maraming kwarta pa sa bangko
May masagwa pang bisyo na kung araw ng pasko
Ang bahay ay palaging sarado
Aba't itong ninong ko ay bigla siyang nagbago
Siya'y naging galante't bohemyo
At ang kanyang sikreto nabisto ng ninang ko
Na siya pala'y mayrong number two
Ay naku ninong kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay pasko number one at number two
Ay naghihintay na makapiling mo
Pumalpak ang ninong ko nahuli ng ninang ko
Kumare pala niya ang number two
Kaya pati kumpare nagalit sa ninong ko
Binugbog ang ulo ng ninong ko
Aba't itong ninong ko ay bigla siyang nagbago
Siya'y naging galante't bohemyo
At ang kanyang sikreto nabisto ng ninang ko
Na siya pala ay mayrong number two
Ay naku ninong kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay pasko number one at number two
Ay maghihintay na makapiling mo
Pumalpak ang ninong ko nahuli ng ninang ko (lagot)
Kumare pala niya ang number two (patay)
Kaya pati kumpare nagalit sa ninong ko
Binugbog ang ulo ng ninong ko (aray ko aray)
Ulo nagkabukol paskong pasko
At nagpaskong bukol ang ninong ko