Rhodora Silva

Paskong Dakila


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang pasko ay ating ipagdiwang
Pagkat ito'y tanging araw ng pagsilang
Ng Kristong tumubos sa kasalanan
Ng tao sa sandaigdigan

Anong saya dito sa ating bayan
Kung pasko tayo ay nagbibigayan
Aginaldong hindi malilimutan
Nanggagaling sa ninong at ninang

Mano po ninong mano po ninang
Ang aginaldo ko ay inyong ibigay
Mano po ninang mano po ninong
Ako'y babalik sa isang taon

Pagtugtog ng kampana sa simbahan
Tayong lahat ay lumuhod at magdasal
Idalangin lubos na kaligayahan
Ang biyaya ay kamtin habang buhay

Mano po ninong mano po ninang
Ang aginaldo ko ay inyong ibigay
Mano po ninang mano po ninong
Ako'y babalik sa isang taon

Pagtugtog ng kampana sa simbahan
Tayong lahat ay lumuhod at magdasal
Idalangin lubos na kaligayahan
Ang biyaya ay kamtin habang buhay
Ang biyaya ay kamtin habang buhay
Maligayang pasko sa inyong lahat