
Patawad
Bakit di ko napansin inalay na pag-ibig mo
Mapapatawad mo pa ba ako
Naakit ba ang puso ko ba't nagawa ito sayo
Nasaktan kita iniwan na puso'y nagtatampo
Bakit nga ba sa iba damdamin ko'y naakit pa
Ang tapat mong pag-ibig sa aki'y nahayaan ko pa
Ako kaya'y mapapatawad
Diringgin ba ang paliwanag ng puso ko
Ng damdamin kong nagkamali sa tulad mo
Nabulag ang aking isipan
Balatkayo na kagandahan
Ikaw pala ang tunay kong mahal
Bakit di ko napansin inalay na pag-ibig mo
Mapapatawad mo pa ba ako
Naakit ba ang puso ko at nagawa ito sayo
Nasaktan kita iniwan na puso'y nagtatampo
Bakit nga ba sa iba damdamin ko'y naakit pa
Ang tapat mong pag-ibig sa aki'y nahayaan ko pa
Ako kaya'y mapapatawad
Diringgin ba ang paliwanag ng puso ko
Ng damdamin kong nagkamali sa tulad mo
Nabulag ang aking isipan
Balatkayo na kagandahan
Ikaw pala ang tunay kong mahal
Ako kaya'y mapapatawad
Diringgin ba ang paliwanag ng puso ko
Ng damdamin kong nagkamali sa tulad mo
Nabulag ang aking isipan
Balatkayo na kagandahan
Ikaw pala ang tunay kong mahal
Ako kaya'y mapapatawad
Diringgin ba ang paliwanag ng puso ko
Ng damdamin kong nagkamali sa tulad mo
Nabulag ang aking isipan
Balatkayo na kagandahan
Ikaw pala ang tunay kong mahal