
Perlas Ng Silangan
Kung tawagin ang bayan ko ay perlas ng silangan
Sagana na sa yaman may wika pang minamahal
Ngunit nang dito'y nagtahan iba't-ibang dayuhan
Yamang aking tunay ay nais pang maagaw ay
Bayan ko gumising ka at buksan ang iyong mata
Pag-aralan mong lubos na mahango tayo sa dusa
'Wag sanang magpabaya magsikap at magtiyaga
At bigyang lunas bayan nating lumuluha
Bayan ko gumising ka at buksan ang iyong mata
Pag-aralan mong lubos na mahango tayo sa dusa
'Wag sanang magpabaya magsikap at magtiyaga
At bigyang lunas bayan nating lumuluha