
Pintig Ng Puso ko
Musmos ka pa lamang
Minahal na kita
Mula sa kawalan
Tinuring kang anak
Sa bawat tawag ko
Ika'y lumalayo
Hindi mo ba batid
Ako'y nabibigo
Aking isasaysay
Kung mararapatin
Sa una mong hakbang
Nang kita'y akayin
Binalabalan ka
Matang masintahin
Kinakandong kita
Animo'y alipin
Pinagtabuyan mo ako
Pinagtulakan ng husto
Maglaho ka sa harap ko
Ngunit yaring pintig ng puso ko
Matupok man lahat
Sa buong daigdig
Hindi magmamaliw ang aking pag-ibig
Hangin noon ako
At hindi alabok
Paano ko kaya
Ikaw malilimot
Paano ko kaya
Ikaw malilimot