Ruben Tagalog

Pista Ng Nayon


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Pista sa aming nayon ang lahat ay may handaan
At bawat tahanan dito ay may tugtugan
Masdan mo ang binata sa dalaga ang tanaw
Pagkat ang tala sa bukid ay taos kong magmahal

Ibon sa puno ng kahoy ay umawit sa aliw
At nagkundaya ng dahon sa halik ng hangin
Ang maghapon nang maparam at lumakad ang dilim
Naglamay pa sa harana ang binata sa bituin

Sa himig ng gitara ang dalaga'y napabangon
Dinungaw ang pusong sa pag-ibig humahabol
At halos inumaga sa wagas niyang layon
Ganyan nga kung sumapit sa amin ang pista ng nayon

At halos inumaga sa wagas niyang layon
Ganyan nga kung sumapit sa amin ang pista ng nayon
Ganyan dito sa nayon