
Puso Sa Puso
Yaring puso ko'y may lihim na pagmamahal
Ngunit di maipahayag sa minamahal
At ano ang dahil ng pag-aalinlangan
Puso sa puso ang siyang dahilan
Puso mo't puso ko'y magkabagay
Iisa ang damdaming tunay
Sa pag-awit magkasama
Dadamhin lahat ng ligaya
Di natin babayaang magmaliw
Ang tamis ng paglalambing
Ang puso sa puso'y pagsamahin
Magmahalan hanggang libing
Sa pag-awit magkasama
Dadamhin lahat ng ligaya
Di natin babayaang magmaliw
Ang tamis ng paglalambing
Ang puso sa puso'y pagsamahin
Magmahalan hanggang libing