
Puso'y Naninimdim
Sa pitak ng puso ay di na maparam
Ang mga pangako mong nagbigay ng buhay
Puso ko'y umasang di mo babayaang
At iyong mamahalin magpahanggang libing
Manalig ka sana
Na di ka magmamaliw at
Sa aking gunita lagi kang kapiling
Ngunit ang pag-asang
Di mo lilimutin ay tuluyang nalibing
Puso'y naninimdim
Manalig ka sana
Na di ka magmamaliw at
Sa aking gunita lagi kang kapiling
Ngunit ang pag-asang
Di mo lilimutin ay tuluyang nalibing
Puso'y naninimdim