
Pusong Mapaglaro
Huwag mo lang sana akong pagbabawalan
Na ako'y magduyan sa ibang kandungan
Pagkat iyan ay pagbibigay lamang
Sa mga babaeng naghahanap-buhay
Iyan ay aking katuwaan lamang
Kahit ako'y nagkakagastos lang
Ngunit uuwi rin ako sa iyo hirang
Pagkat ikaw pa rin ang tunay kong mahal
Kami sa night club nakikipagsayawan
Sa mga chicks nakikipaglambingan
Ngunit ang totoo iyan ay aliwan lamang
Sa tulad kong lalaking meron nang minamahal
Hayaan mo akong makipaglaro-laro
Sa mga babaeng may laruang puso
Pagkat sila rin ay mahilig magbiro
At bagay na kapartner sa fake na pagsuyo
Hayaan mo akong makipaglaro-laro
Sa mga babaeng may laruang puso
Pagkat sila rin ay mahilig magbiro
At bagay na kapartner sa fake na pagsuyo