Ruben Tagalog

Pusong Naulila


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang aking paraluman
Na tanglaw sa buhay
Ay dagliang lumisan
Ang dahila'y di ko malaman

Ang puso kong ulila
Laging nagdurusa
Tuwina'y nababalisa
Sa paglayo ng aking sinta

At sa buong magdamag
Alaala ka liyag
Nagbubuntong hininga
Luhaan ang mata

Ang aking paghihirap
Wari'y walang lunas
Ang pusong naulila
Ibig na rin ang mundo'y magwakas

At sa buong magdamag
Alaala ka liyag
Nagbubuntong hininga
Luhaan ang mata

Ang aking paghihirap
Wari'y walang lunas
Ang pusong naulila
Ibig na rin ang mundo'y magwakas