Ric Manrique

Romansa


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Hindi ko na yata malilimutan
Romansa ng ating pag-iibigan
Gabi't araw tayo'y naglalambingan
Parang tayo'y walang kamatayan

Nang tayo giliw ko ay nagsumpaan
Ligaya ng puso ko ay lubusan
Saksi natin ay ang hanging amihan
At agos ng tubig sa batisan

Mababaliw ako pag nilimot mo hirang
Ang sumpa mong walang hanggan
Asahan mong ang puso ko'y walang alinlangan
Walang mahal kundi ikaw

Nang tayo giliw ko ay nagsumpaan
Ligaya ng puso ko ay lubusan
Saksi natin ay ang hanging amihan
At agos ng tubig sa batisan

Mababaliw ako pag nilimot mo hirang
Ang sumpa mong walang hanggan
Asahan mong ang puso ko'y walang alinlangan
Walang mahal kundi ikaw

Hindi ko na yata malilimutan
Romansa ng ating pag-iibigan
Gabi't araw tayo'y naglalambingan
Parang tayo'y walang kamatayan

Nang tayo giliw ko ay nagsumpaan
Ligaya ng puso ko ay lubusan
Saksi natin ay ang hanging amihan
At agos ng tubig sa batisan

Mababaliw ako pag nilimot mo hirang
Ang sumpa mong walang hanggan
Asahan mong ang puso ko'y walang alinlangan
Walang mahal kundi ikaw

Nang tayo giliw ko ay nagsumpaan
Ligaya ng puso ko ay lubusan
Saksi natin ay ang hanging amihan
At agos ng tubig ang agos ng tubig ang agos ng tubig sa batisan