
Sa Aking Paglayo
Sa aking paglayo
Babaunin ko
Ang iyong pangakong
Di magbabago
Ang pag-ibig ko
Ay ingatan mo
Pagkat yan na lamang
Ang alaala ko
Sa aking paglayo
Iiwanan ko
Ang sumpang ikaw lang
Ang iibigin ko
At ang puso ko
Ngayo'y hawak mo
Pag iyong winasak
Magdaramdam ako
Kung lalapit ang tukso
At aakit sayo
Magagawa mo bang iwasan
Kung malamig ang gabi
Baka hanapin mo
Apoy na papaso sayo
Sating sumpaan
Kung lilimot ka
Lagi mong isiping
Mahal pa rin kita
Di magbabago
Ang pag-ibig ko
Ikaw lang ang tanging
Mahal sa puso ko