
Sa Aking Tabi
Haplos ng hangin
Kaysarap damhin
Kapag ika'y nasa aking tabi
Minamasdan ko ang mga ulap
Oh kadaupang pangarap
Pakiwari'y pumapailanlang kayakap ka
Sa aking tabi oh
Gilas ng agos sa batis
Mapang-akit na bituin sa langit
Saksi sa pag-aalay ng puso kong ito
Tila hamog sa bukang liwayway
Na may amihang umaagapay
Pintig nitong puso'y ganap pag narito ka
Sa aking tabi (sa aking tabi)
Oh (sa aking tabi)
Oh tila hamog sa bukang liwayway
Na may amihang umaagapay
Pintig nitong puso'y ganap minamasdan kita
Ngayong kayakap ka
Ay aking ipadarama
Pag-awit ng pusong ito kapag ikaw ay
Nasa aking tabi (sa aking tabi)
Sa aking tabi oh (sa aking tabi)
Ika'y nasa aking tabi (sa aking tabi)
Sa aking tabi oh