
Sa Diyos Lahat Magagawa
Kung ngayon buhay mo'y nagsisikip
Sa dami ng iyong iniisip
Lagi ka na lang naiinip
Di man lang makuha mo ang iyong ngiti
Ang mukha mo'y parang sawi
Kalungkuta'y di mapawi
Para bang pasan-pasan mo ang mundo
Akala mo'y walang nagmamahal sa 'yo
Anumang problema'y malulunasan niya
Kung tayo lamang ay tatawag sa ama
Kahit gabundok pa ito'y kanyang kaya
Dahil sa Diyos lahat magagawa
Lahat magagawa
Kaibigan sandali nasasayang
Kung palagi ka na lamang ganyan
Wala kang patutunguhan
Kilos na kay Hesus lumapit ka
Suliranin mong dala-dala
Ay ilagak mo sa kamay niya
Para bang pasan-pasan mo ang mundo
Akala mo'y walang nagmamahal sa 'yo
Anumang problema'y malulunasan niya
Kung tayo lamang ay tatawag sa ama
Kahit gabundok pa ito'y kanyang kaya
Dahil sa Diyos lahat magagawa
Anumang problema'y malulunasan niya
Kung tayo lamang ay tatawag sa ama
Kahit gabundok pa ito'y kanyang kaya
Dahil sa Diyos lahat magagawa
Lahat magagawa
Kay Hesus
Lahat magagawa