ASOP

Sa Iyo Lamang


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Dinggin mo aking pag-ibig
Sa iyo’y aking inaawit
Puso ko’y iyong masdan
Ikaw ang siyang laman

Himig ng puso ang alay
Sa iyo o Diyos aking buhay
At hindi magmamaliw
Ang ‘yong pagmamahal

O Diyos ika’y aawitan
Bawat ngayon at kailanman
Bawat himig at tinig
Na aking tinataglay o Ama sa iyo lamang

Sa iyo tinitiwala
Buhay ko’t aking magagawa
Puso ko’y iyong hagkan
Sa magpakailanman

O Diyos ika’y aawitan
Bawat ngayon at kailanman
Bawat himig at tinig
Na aking tinataglay o Ama sa iyo lamang

At hindi magsasawa
Awit ko’y ipadama aking Diyos
Ikaw ang tanging ligaya

O Diyos ika’y aawitan
Bawat ngayon at kailanman
Bawat himig at tinig
Na aking tinataglay o Ama sa iyo lamang

O Ama sa iyo lamang