
Sa Luha ng Anghel
Mayrong isang anghel nagbuhat sa mga kalangitan
Ang lumapag pagod nang lumipad
Ako ay nagtanong ng dahilan anong naging sanhi
Ang sabi niya'y hindi nya na alam
Sa'n dadapo
Kanyang puso
Na ayaw nang
Tumibok
Pagdamutan mo kaya itong aking munting daigdig
Sarili mong nais magpahinga
Huwag na muna mag-isip at puso'y lalong sasakit
Pugad na ulap ba'y hinanakit
Sa pag-idlip
Ng iyong puso
May magbabantay
Sa'yo sa'yo oh oh
Ang luha ng anghel bumuhos pumatak sa'n napadpad
Nahulog lang sa tulad kong lupa
At sa lupa'y sumibol pag-ibig kusang lumago
Nililiman pusong nag-iisa
Sa pagmulat ng iyong puso may naghihintay sa'yo
At sa muling paggising ng puso mo'y may nag-aantay sa'yo sa'yo
Ang yakap ko
Ang yakap ko
Ang yakap ko