R-A-R Trio

Sa Lumang Simbahan


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sa lumang simbahan
Sa harap ng altar
Kami ng mahal ko
Doo'y nagsumpaan

At nagdasal kami
Sa Poong Maykapal
Sa tigisang kamay
Ang hawak ay punyal

Kung sakaling ako
Ang unang mamatay
Dumalaw ka sana
Sa aking libingan

Kapag iyong nakita
Ang aking himlayan
Yan ang pahimakas
Ng ating sumpaan

Kung marinig mo hirang
Ang tunog ng kampana
Sa lumang simbahan
Dumalaw kang kusa

Lumuhod ka sana
Sa harap ng altar at iyong ipagdasal
Ang giliw mo mahal

Kung marinig mo hirang
Ang tunog ng kampana
Sa lumang simbahan
Dumalaw kang kusa

Lumuhod ka sana
Sa harap ng altar at iyong ipagdasal
Ang giliw mo mahal