Cenon Lagman

Sa Ningning Ng Mga Mata


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang ningning ng iyong mga mata
Ang sa dibdib ko'y nagpakaba
At nang lumaon ako'y nabalisa
Ang sanhi di malaman baga

Sa ningning ng iyong mga mata
Ay may ligayang nadarama
Kung kaya pala ganyan mutyang sinta
Sapagkat iniibig kita

Ngayon ko lamang natutuhan
Gawang umibig at magmahal
At ito'y aking tanging naramdaman
Magbuhat ng kita'y mapagmasdan

Sa ningning ng iyong mga mata
Ay babakasin ang pagsinta
Kung mahal mo rin iyong ipadama
Sa ningning ng iyong mga mata

Ngayon ko lamang natutuhan
Gawang umibig at magmahal
At ito'y aking tanging naramdaman
Magbuhat ng kita'y mapagmasdan

Sa ningning ng iyong mga mata
Ay babakasin ang pagsinta
Kung mahal mo rin iyong ipadama
Sa ningning ng iyong mga mata