
Sa Pasimula
Sa pasimula ng iyong paglalang
Ang langit at lupa ay walang kaanyuan
Nang iyong bigkasin ang mga salita
Ang langit at lupa ay nalikha
Sa pasimula ay naroon ka na
Kahit wala pa ang sang nilikha
Oh Panginoon tunay kang dakila
Ikaw nga ang Diyos na manlilikha
Nilikha mo ang lahat ng bagay
Dahilan sayo lahat ay may buhay
Naglagay ka ng mga hangganan
At kahit panahon ay may katapusan
Sa pasimula sa pasimula
Ikaw ang alpha't omega
Sa pasimula ikaw ay kasama
Kahawak kamay nina Adan at Eba
Ngunit nang sila ay magkasala
Sa presensya mo ay nawalay sila
Ngunit noon din ay iyong pinakita
Ang pag-ibig mo at walang hanggang biyaya
Ang katubusan ay iyong itinakda
Sa mesiyas na buhat sa pasimula
Nilikha mo ang lahat ng bagay
Dahilan sayo lahat ay may buhay
Naglagay ka ng mga hangganan
At kahit panahon ay may katapusan
Sa pasimula sa pasimula
Ikaw ang alpha't omega
Nilikha mo ang lahat ng bagay
Dahilan sayo lahat ay may buhay
Naglagay ka ng mga hangganan
At kahit panahon ay may katapusan
Sa pasimula sa pasimula
Ikaw ang alpha't omega
Sa pasimula sa pasimula
Ikaw ang alpha't omega