
Sa Paskong Darating
Sa bawat araw na dumaan
Naaalala ko ang ating nagdaan
Sabay tayong maligo sa ulan
At minsan ay kumakain sa tindahan ni Aleng Susan
Marami na tayong pinagdaanan
Pag-ibig na ating nasimulan
Pasko ay sasapit naghihintay pa rin
Kalakip ng awitin dalangin ko'y makapiling
Simoy ng hangin nadarama mo rin
At kahit na malayo ka'y malapit na rin
Ang tinig mong sumasama sa hangin
Nanlalamig nananabik na makasama ka
Sa paskong darating
Umasa ka ako'y naghihintay pa rin
Sa muling pagbabalik sa aking piling
Nais kong malaman mong ika'y mahal pa rin
Kalakip ng awitin dalangin ko'y makapiling
Simoy ng hangin nadarama mo rin
At kahit na malayo ka'y malapit na rin
Ang tinig mong sumasama sa hangin
Nanlalamig nananabik na makasama ka
Sa paskong darating
Simoy ng hangin nadarama mo rin
At kahit na malayo ka'y malapit na rin
Ang tinig mong sumasama sa hangin
Nanlalamig nananabik na makasama ka
Sa paskong darating
Sa paskong darating
Sa paskong darating
Sa paskong darating
Sa paskong darating