Ruben Tagalog

Sa Pinto ng Langit (Heaven's Gate)


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Maanong dungawin mo
Maawa ka mutya
Iyong ulinigin
Awit ng pagluha

Sa paghihimutok
Kung ikaw ay wala
Panglaw ng buhay ko'y
Lalong lumulubha

Sa lungkot ng buhay
Sa gitna ng lagim
Malapit nang ako'y
Bangkay na tanghalin

Kaya't dungawin mo
Ng magtamong aliw
Buksan mo ang pinto
Ng langit sa akin

Sa paghihimutok
Kung ikaw ay wala
Panglaw ng buhay ko'y
Lalong lumulubha

Haya't dungawin mo
Ng magtamong aliw
Buksan mo ang pinto
Ng langit sa akin