
Sa Pugad Ng Pagibig
Sa puso ko'y natanim
Pagibig na di magmamaliw
Iaalay sa isang
Wagas ang pagibig sa akin
Kahit na siya'y isang dukha
Ngunit tapat namang gumiliw
Di ko lilisanin mundo ma'y maglaho
Magpahanggang libing
Kung kami'y magkapiling na
Ng aking langit
Susuyuin siyang palagi
Aaliwin sa halik
Hindi ko siya dudulutan
Ng kanyang ikagagalit
Magmamahalan kaming lubos
Sa pugad ng pagibig
Kung kami'y magkapiling na
Ng aking langit
Susuyuin siyang palagi
Aaliwin sa halik
Hindi ko siya dudulutan
Ng kanyang ikagagalit
Magmamahalan kaming lubos
Sa pugad ng pagibig