
Sa Puso Ko'y Walang Iba
Bakit sa tuwing kasama ka
Napapansin sayong mata
Parang malungkot ka
Wag mag alinlangan pa
Di mo man nadarama mahal na mahal kita
Tunay ang pag-ibig na alay sayo
Asahan mo hindi magbabago
Sana'y wag kang mangamba
Sa puso ko'y walang iba
'Pagkat ikaw lahat sa buhay ko
Hinding hindi magbabago
Pag-ibig ko'y tapat sayo
Hanggang wakas lagi sana tayo
Minsan ako'y natataka
Ewan ko ba pag nandyan ka
Puso'y sumisigla
Tanging hiling ko lang sinta
Pag-ibig nating dalawa'y
Ingatan mo sana
Tunay ang pag-ibig na alay sayo
Binago mo ang takbo ng buhay ko
Sana'y wag kang mangamba
Sa puso ko'y walang iba
'Pagkat ikaw lahat sa buhay ko
Hinding hindi magbabago
Pag-ibig ko'y tapat sayo
Marami mang pagsubok ang dumating
Tunay ang pag-ibig na alay sayo
Asahan mo hindi magbabago
Sana'y wag kang mangamba
Sa puso ko'y walang iba
'Pagkat ikaw lahat sa buhay ko
Hinding hindi magbabago
Pag-ibig ko'y tapat sayo
Hanggang wakas lagi sana tayo