
Sa Tindi Ng Hinagpis
Ang tamis ng iyong pagsuyo
At paglingap mo sa akin
Ay iyong binawi
Aking napapansin
Sa maalab kong pag-ibig
Ay ngayon ka pa nagbago
Sa tindi ng hinagpis
Lumuluha ang puso kong ito
Bakit lumalayo
At iyong iniiwasan
Ang aking pusong
Taimtim kung magmahal
Sa aking buhay
Wala na kung hindi ikaw
Ang nalalabing liwanag
Upang maging tanglaw
Bakit lumalayo
At iyong iniiwasan
Ang aking pusong
Taimtim kung magmahal
Sa aking buhay
Wala na kung hindi ikaw
Ang nalalabing liwanag
Upang maging tanglaw