
Saan Na Nga Ba'ng Barkada
Nagsimula ang lahat sa iskuwela nagsama-samang’ labingdalawa
Sa kalokohan at sa tuksuhan hindi maawat sa isat-isa
Madalas ang istambay sa cafeteria isang barkada na kay’ saya
Laging may hawak-hawak na gitara konting udyok lamang kakanta na
Kay simple lamang ng buhay ‘noon walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba saan na nga ba
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba saan na nga ba
Saan na napunta ang panahon
Sa unang ligaw kayo’y magkasama magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago o kaysarap ng samahang barkada
Nagkawatakan na sa kolehiyo kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita pagkakaibiga’y hindi nawala
At kung saan na napadpad ang ilan sa dating iskwela meron’ din naiwan
Meron’ pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka miss ang dating samahan
Saan na nga ba saan na nga ba
Saan na nga bang’ barkada ngayon
Saan na nga ba saan na nga ba
Saan na nga bang’ barkada ngayon
Ilang taon din ang nakalipas wala pa sa aming tatay na
Nagsusumikap upang yumaman at guminhawang kinabukasan
Paminsan-minsan kami’y nagkikita mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa iskwela pag magkasama'y nagwawala
Napakahirap malimutan ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang iilang taon magkabarkada pa rin ngayon
Magkaibigan magkaibigan magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan magkaibigan magkabarkada pa rin ngayon
Magkaibigan magkaibigan magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan magkaibigan magkabarkada pa rin ngayon
Magkaibigan magkaibigan magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan magkaibigan magkabarkada pa rin ngayon (oh)
Magkaibigan magkaibigan magkaibigan pa rin ngayon (oh)
Magkaibigan magkaibigan magkabarkada pa rin ngayon (oh)
Nagsimula ang lahat sa iskuwela