Ruben Tagalog

Saksi natin ang Langit


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Saksi natin ang langit nang tayo'y nagsumpaan
Habang nanlalamig ang palad mong aking tangan
Tibok ng puso nati'y iisa lamang
Sumpa ko'y pagsintang walang kamatayan

Walang ibang saksi noon kung di langit lamang
Nang tayong dalawa sa pag-ibig nagsumpaan
Hindi mo man masabi na kita'y mahal
Subalit lagi kong alam

Madilim ang gabi hangin ay malamig
Walang mga bituing maririkit
Walang nakakita ni walang nakarinig
Sa ating sumpaan saksi natin ang langit

Madilim ang gabi hangin ay malamig
Walang mga bituing maririkit
Walang nakakita ni walang nakarinig
Sa ating sumpaan saksi natin ang langit