Loisa Andalio

Salamat Sa...


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Buhat nang una kang masilayan
Ang napakagandang tamis ng 'yong mga ngiti
Para bang di ko na makaya pang maibaling sa iba ang pagtingin ko
Lalo na nung nalaman ko pa na ako din pala'y iyong gusto

Parang panaginip lang ng ako'y iyong ibigin na
Napakabilis ng pangyayari
Tayo ng dalawa
Akin ka na ah

Salamat sa panginoon nahanap ko na rin
Ang ang ang sakin nagpapasaya
Ikaw lang at ako ako'y sa'yo ika'y sa akin
Ho oh
Ikaw lamang talagawa walang ibang hahanapin

Ang lahat ng 'to ay nagsimula ng
Sa isang handaan ay nasilayan
Nakapulang damit
May v-cut na gupit may pormang malupit kaso nga lang
Ayokong dumikit kasi baka magsungit ka sa akin at sabihin mong
Hoy wag kang makulit
Wag kang feeling malapit pero laking gulat ko
Nung tinawag mong hi 'diba ikaw si kritiko
Nagulat ako non bakit kilala niya ako
Pero deep inside ang sarap sa feeling
Kaya simula non I started dreaming
Wala ng teka teka teka teka teka lang
Kinuha ko agad ang kanyang fb account
Kinabukasan ay agad ko ng inadd
Sabay napangiti napabulong thank you God

Nawala nang lungkot sa buhay ko
Dahil nakilala ko na ang natatanging iibigin ko
Ako lang sa kanya siya lang ay para sa'kin
Nawala nang lungkot sa buhay ko
Dahil meron na ngayong mag aalaga sakin
Dito sa mundo
Ikaw lang talaga wala ng ibang hahanapin

Salamat sapagkat dumating ka sa aking buhay
Ngayon ko lang naramdaman ang pag ibig na tunay
Wala ng ibang hahanapin sapagkat nandyan ka na
Ikaw ang nagbibigay ng kulay
Sa aking daigdig
Sa'yo lamang pumintig
Ang puso ko ng ganito
Ikaw ang naghatid ng saya sa'king dibdib
Ikaw lang ang nasa isip ko
Kaya ako ay sigurado na ikaw lamang ang iibigin ko
Wala ng iba pa
Kahit na anong mangyari sa'kin ay umasa ka
Na palaging kasama ka kahit saan pa pumunta
Mahal ko sa'akin ay palaging bida ka
Ikaw lang ang nag iisa
Yan ang tatandaan mo
Pinapangako ko sa'yo
Na walang luha na papatak sa mga mata mo
Inaalay ko sa'yo ang aking buong pagkatao at kaluluwa
Ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng aking mga ginagawa
Kaya salamat ama dahil ibinigay niyo sa'kin
Ang babaeng palaging katabi kahit may suliranin pa na dumaan
Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng walang hanggan

Nawala nang lungkot sa buhay ko
Dahil nakilala ko na ang natatanging iibigin ko
Ako lang sakanya siya lang ay para sa'kin
Nawala nang lungkot sa buhay ko
Dahil meron na ngayong mag aalaga sakin
Dito sa mundo
Ikaw lang talaga wala ng ibang hahanapin