
Salamat, Maria
Sa lawak ng dagat na aking tinatawid
Tanging pangalan mo ang siyang laging sinasambit
Hanap-hanap ang pangako ng iyong lambing
Inaasam na tuwina'y nasa iyong piling
Sa araw-araw na paglusong ko sa buhay
Ikaw lang ang saksi't nag-iisang bantay
Dayuhin man ako ng lungkot at hirap
Tanggulan kong lagi lingap mo't yakap
Salamat Maria sa iyong pagpisan
Sa bawat hapis luwalhati at tuwa namin
Salamat sa pag-ibig at sa bawat dalangin
Salamat sa iyo sa mga pagdamay mo
Kami'y patuloy na magmamahal sa iyo
Sa araw-araw na paglusong ko sa buhay
Ikaw lang ang saksi't nag-iisang bantay
Dayuhin man ako ng lungkot at hirap
Tanggulan kong lagi lingap mo't yakap
Salamat Maria sa iyong pagpisan
Sa bawat hapis luwalhati at tuwa namin
Salamat sa pag-ibig at sa bawat dalangin
Salamat sa iyo sa mga pagdamay mo
Kami'y patuloy na magmamahal sa iyo
Salamat Maria sa iyong pagpisan
Sa bawat hapis luwalhati at tuwa namin
Salamat sa pag-ibig at sa bawat dalangin
Salamat sa iyo sa mga pagdamay mo
Kami'y patuloy na magmamahal sa iyo