Musikatha

Sambahin Ka

Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ika'y sadyang kahanga-hanga kahit na ulit-ulitin ko
Sabihin ko mahirap man isalarawan ang damdamin aawitin ko
O aking Diyos
Kung ang laman ng puso ko'y naawit na
Maging sa kahuli-hulihang hininga ang nais ko'y
Sambahin ka sambahin ka
Ang aking katugunan sa 'yong kadakilaan ay
Sambahin ka sambahin ka
Ang tanging kadahilanan ng buhay ko't kalakasan
'Di man sapat lahat ng nalalamang himig
Ngunit sa 'yo ay aawitin
Ang pag-ibig ko

Ang pag-ibig

Oh luwalhati sa 'yong pangalan oh
Pagsambang walang hangganan oh
Banal at makapangyarihang Diyos
Oh luwalhati sa 'yo oh
Pagsambang walang hangganan oh (pagsambang walang hangganan)
Banal at makapangyarihang Diyos oh
Oh luwalhati sa 'yong pangalan oh
Pagsambang walang hangganan oh
Banal at makapangyarihang Diyos oh

Sambahin ka sambahin ka
Ang aking katugunan sa 'yong kadakilaan ay
Sambahin ka sambahin ka
Ang tanging kadahilanan ng buhay ko't kalakasan
'Di man sapat lahat ng nalalamang himig
Ngunit sa 'yo ay aawitin
Ang pag-ibig ko (sambahin ka sambahin ka oh)
Sambahin ka oh (sinasamba kita oh)
Sambahin ka