
Sana ay Mahalin Mo rin Ako
Kapag nakita ka ako'y nahihiya
At pag kausap ka ako'y namumula
Sabi ng puso ko ako'y in-lab sa 'yo
Sana ay mahalin mo rin ako
Pag kasama ka wala ng pangamba
Nais kong sabihing minamahal kita
'Di sinasadya biglang nasabi mo
Sana ay mahalin mo rin ako
Kay sarap pala ng ibigin mo
Para bang ulap ang nilalakaran ko
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo
Nagsasabing mahal mo rin ako
Bakit ba tayo'y nagkatagpo
Wala na sanang wakas ang pag-ibig nating ito
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo
Sana ay mahalin mo pa rin ako oh
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo
Nagsasabing mahal mo rin ako
Bakit ba tayo'y nagkatagpo
Sana'y wala ng wakas ang pag-ibig nating ito
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo
Sana ay mahalin mo pa rin ako oh
Mahalin mo pa rin ako hanggang wakas
Mahalin mo pa rin ako
Kayrami man ng hadlang (mahalin mo pa rin ako hanggang wakas)