
Sana Kahit Minsan
Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig
Malamyos mong tinig
Na sa aki'y aliw at tila ba ito'y hulog ba ng langit
Pag nakita ka na'y ayaw nang kumurap pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagkan
Yakap-yakap kita
Ngunit sa pag-gising ko
Ay di pala tunay at nanghihinayang na
Sana kahit minsan
Ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping
Nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sayo
Pag nakita ka na'y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagkan
Yakap-yakap kita
Ngunit sa pag-gising ko
Ay di pala tunay at nanghihinayang na
Sana kahit minsan
Ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping
Nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sayo
Hanap ng puso ay laging ikaw
Ang nais ko'y ang iyong pagmamahal
Sana'y sabihin mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag ng damdamin ko woh
Sana ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping
Nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang-buhay
Ang pag-ibig na alay ko
Sayo'y tunay
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan