Ruben Tagalog

Sana'y Lumigaya S'ya


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang aking mutyang minamahal
Minsan ay dinalaw kong bigla
Pagdating ko ng bahay nila
Ang kasintahan ko ay wala
Siya'y hinahanap kahit saan
Ng puso kong lumuluha
Nahan kaya nahan kaya
Ang giliw kong nawawala

Ngunit di ko akalain
Na siya ay aking makita
At sa simbahan pa nanggaling
Iba na ang kanyang kasama
Sa lungkot niyaring damdamin
Ako ay di na nagpakita
At kay bathala'y nanalangin
Na sana'y lumigaya siya

Sa lungkot niyaring damdamin
Ako ay di na nagpakita
At kay bathala'y nanalangin
Na sana'y lumigaya siya