Ruben Tagalog

Sana'y walang iba


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sana'y wala ng iba pang may angkin ng iyong pagsinta
Sana sa ngayon walang hadlang yaring ligaya
Asahan mong buong puso itong sumpa ko sa pag-ibig
Bawat saglit ikaw ang tangi kong nilalangit
Wala kayang ibang may-ari ng iyong pagsinta
Manalig kang ikaw lamang ang aking ligaya
Tayo sana'y magmahalan sa araw-araw
At nang makamtan nating lagi ang kaligayahan

Asahan mong buong puso itong sumpa ko sa pag-ibig
Bawat saglit ikaw ang tangi kong nilalangit
Wala kayang ibang may-ari ng iyong pagsinta
Manalig kang ikaw lamang ang tanging ligaya
Tayo sana'y magmahalan sa araw-araw
At nang makamtan nating lagi ang kaligayahan