Bulilit Singers

Sapagkat Ang Diyos Ay Pag-Ibig


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa aking puso at kaluluwa
At siyang nagturo sa ating buhay
Liwanag sa dilim at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin
Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo ay magkawalay

Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng Pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo
Ay wag limutin na may Diyos tayo na nagmamahal

Sikapin sating pagtungo
Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ng Diyos na siyang sumakop sa
Bawat pusong uhaw sa pagsuyo

Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo
Ay wag limutin na may Diyos tayo na nagmamahal

Diyos ay Pag-ibig