Ruben Tagalog

Sasayangin Ko Ba


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sasayangin ko ba ang pinaghirapan kong lubha
Ang pag-ibig sayo matapos diligin sa patak ng luha
Ang hirap at tiyaga na pinupunan sa pagsinta
Ay hindi sasayangin mga alaala

Ano mang parusa ay sadya kong tatanggapin
Subalit ang pag-ibig ko ay hindi sasayangin
Sasayangin ko ba ang dalisay na pag-ibig
Ay sa ikaw lamang naman ang mahal sa akin

Ano mang parusa ay sadya kong tatanggapin
Subalit ang pag-ibig ko ay hindi sasayangin
Sasayangin ko ba ang dalisay na pag-ibig
Ay sa ikaw lamang naman ang mahal sa akin