
Si Aiza, Si Norma, At Si Jen
Aiza nang makilala ka
Di ko maipinta
Galak na nadarama
Natataranta sa tuwing tayo ay magkasama
Kahit san magpunta
Abutin man ng umaga
Nais ko ay makapiling kita sa tuwina
Mayakap ka o sinta
Lagi mong tatandaan
Na ikaw lang at wala nang iba
Ngunit lahat ay nagbago
Nang may biglang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadyang
Mahulog ang aking mundo sa kanya
Ang aking mundo (ang aking mundo)
Biglaang gumuho
Ang aking mundo (ang aking mundo)
Sa kanya na iikot
Iikot ka Norma
Norma nang makilala ka
Parang mas masaya
Kapag ikaw ang kasama
Natataranta sa tuwing tayo ay magkikita
Kahit san magpunta
Abutin man nang tanghali
Nais ko ay makapiling kita sa tuwina
Mayakap ka o sinta
Lagi mong tatandaan na ikaw lang at wala nang iba
Ngunit lahat ay nagbago
Nang may bigla nanamang dumating sa buhay ko
Hindi ko sinasadya mahulog nanaman ang aking mundo sa iba
Ang aking mundo (ang aking mundo)
Bigla nanamang gumuho
Ang aking mundo (ang aking mundo)
Sa kanya naman iikot
Iikot mo Jen
Jen ikaw na talaga
Kahit san magpunta
Gabi tanghali umaga
Wala nang iba
Ikaw lang at wala nang iba
Si Aiza si Norma at si Jen
Si Aiza si Norma at si Jen
Si Aiza si Norma at si Jen (si Aiza si Norma at si Jen )
Si Aiza si Norma at si Jen