Pilipino Karaoke

Simbang Gabi At Bagong Taon [Vocal]


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Gising na mare gising na pare
Tawag ng kampana sa simbahan
Umpisa ng siyam huwag magkukulang
Sa simbang gabing kinagisnan

Magbalabal ka kahit na tuwalya
Kay lamig-lamig doon sa plaza
Mare at pare dapat mag-ingat
Nang kayo'y hindi mapulmonya

Simbang gabi ugali ng Kristiyano
Mas matanda sa aking lolo
Alay ito sa Birhe't Santo Nino
Dinadakila ang Pasko

Tayo na mare tayo na pare
May nag-imbita sa Medya Noche
Ang kamag-anak na may handaan
Kahit konti ay 'yong pagbigyan

Bagong Taon tayo'y mag Noche Buena
May tsokolate hamon de China
Samantalang mayroong nagtutugtugan
Walang humpay ang sayawan

Ang mga bata sa kagalakan
Nagsala-salabat sa lansangan
May torotot na may sombrero pa
Pangsalubong sa Bagong Taon

Pangsalubong sa Bagong Taon
Pangsalubong sa Bagong Taon

Canciones más vistas de