Mabuhay Singers

Sino si Santa Klaus


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sino si Santa Klaus ang tanong sakin
Ang anak kong bunso na naglalambing
Bakit pasko lamang namin kapiling
At nagmamahal sa amin

Pakinggan mo bunso ng malaman mo
Si Santa Klaus ay laging narito
Minamasdan lamang ang ugali niyo
'Pagkat mahal niya kayo

Sa tuwing pasko lamang kung siya'y makita
At aguinaldo ang dala niya tuwina
Alam niyo na bunso ang lahat halos
Bakit mayrong Santa Klaus

Sino si Santa Klaus ang tanong sakin (ang tanong sakin)
Ng anak kong bunso na naglalambing (na naglalambing)
Bakit pasko lamang namin kapiling (bakit kapiling)
At nagmamahal sa amin

Pakinggan mo bunso ng malaman mo
Si Santa Klaus ay laging narito
Minamasdan lamang ang ugali niyo
'Pagkat mahal niya kayo

Sa tuwing pasko lamang kung siya'y makita (siya'y makita)
At aguinaldo ang dala niya tuwina (ay dala tuwina)
Alam niyo na bunso ang lahat halos (at alam na halos)
Bakit mayrong Santa Klaus