AfterImage

Sundan, Sundan

Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sundan sundan ang piniling daanan
Tingnan tingnan ang paroroonan
Ikaw ang nagpasiya iniwanan ng iba
Maparinig mo lang ang awit mong dala

Masdan masdan ang dami ng kulay
Hagkan ang alay ng buhay
Ako'y katulad mo hinahanap ang dulo
Hanggang makilala ko itong sarili ko

Hindi mababalikan
Ito'y sadyang magdaraan
Isang saglit sa buhay mo
Ngayo'y nakaraan
Namana agad

Sundan sundan ang piniling daanan
Tingnan tingnan ang paroroonan
Sa huling yugto ikaw ang maging sugo
Ipaalam mo lang nagbago na'ng mundo