
Taon-taon
Eto na naman papalapit nang pasko
Kay haba ng listahan ng kailangang regalo
Kahit ang bulsa ay butas ako'y nalilito
Sa dami ng umaasa kakasya ba ito
Pano kung hindi sapat ang iyong naipon
At ang sweldo'y di sumasabay sa panahon
Sa'n kukuha ng ihahaing keso't hamon
Kailangan ba talaga ganito tayo taon-taon
Maaari bang yakap at halik
Sa tsokolate aking ipapalit
Alam kong kay tagal mo nang nasabik
Isang taon na lang naman
Isang taon na lang pasko na uli
Hindi na matahimik ang hardin sa harap
Kahit ang parol di na makuhang kumurap
Sintunado ma'y matutuwa't mangingiti
Dahan-dahan sa barya mahaba pang gabi
Tila malamig na nga ang simoy ng hangin
Lalo na kapag inaanak mo'y parating
Sana nga kanina pa tulog ng mahimbing
At bagong taon na sa aking pag-gising
Maaari bang yakap at halik
Sa aginaldo aking ipapalit
Alam kong kay tagal mo nang nasabik
Isang taon na lang naman
Isang taon na lang pasko na uli
Maaari bang yakap at halik
Sa aginaldo aking ipapalit
Alam kong kay tagal mo nang nasabik
Isang taon na lang naman
Isang taon na lang naman
Isang taon na lang pasko na uli